top of page
Embracing what is mine. Lineage. Culture

Si Annielille Gavino ay isang Filipino multidisciplinary movement artist at  manggagawang pangkultura. Mula nang lumipat sa Estados Unidos, sumayaw si Gavino kasama si Cleo Parker Robinson Dance Ensemble, Dallas Black Dance Theater, Kun Yang- Lin/ Dancers, Ananya Dance Theater, at pinamunuan ang kanyang kumpanyang nakabatay sa proyekto na Ani/Malayaworks. Bilang isang multidisciplinary storyteller, ginagamit ni Gavino ang pelikula, sayaw, at literatura bilang mga sisidlan para sa inskripsiyon, pakikipag-ugnayan sa komunidad, paglaban, at mga espirituwal na paglalakbay. MAPfund, Velocity Fund, National Performance Netwok. Illuminate the Arts Grant, Scribe Film Grant, Asian Arts Initiative, Career Transition Award, Dance Place, Fleisher Art Memorial, Barnes Foundation, Bronx Academy of Arts and Dance, Movement Research sa Judson Church, Philadelphia Asian American Film Festival,  Leeway Art for Social Change Grant at marami pang iba ang sumuporta sa kanyang mga gawa. Sa pagitan ng taon, nagpapatuloy siya sa mga diyalogo sa loob ng kanyang komunidad sa pamamagitan ng isang virtual na pagtitipon, ang Patawili.  Si Annielille ay isa ring dance writer para sa tINKing Dance at nagtapos sa MFA ng Hollins University.

Si Anito ay isang katutubo ng Panay, at isinilang sa Maynila at lumaki sa kanyang probinsya, Iloilo. Siya ay nagtungo at nakipagsapalaran sa Estados Unidos taong dalawang libo (2000). Nakalipas ang panahon at nagtungo sa taong dalawang libo at labing apat (2014) kung saan siya'y napanatili sa Estados Unidos at sumayaw sa mga kumpanya katulad ng Rod Rodgers Dance Company, Cleo Parker Robinson Dance, Dallas Black Dance Theater, Latin Ballet of Virgina, KYL/D at Ananya Dance Theatre. Siya ay lumilikha ng mga sayaw upang mailabas ang kanyang saloobin sa pamamagitan ng pagsasadula. Siya rin ay gumawa ng isang grupo binubuo ng Pilipino at Asyanong-Amerikanong mananayaw at ipinangalan itong, AniMalayaWorks. Sila ay nagtatanghal sa pamamagitan ng iba't ibang estilo na may malalim na kahulugan at kwento tungkol sa pamilya, kultura, komunidad, buhay imigrante at reklamasyon. Sila ay nagtatanghal sa iba't ibang lugar katulad ng entablado, kalsada o museo kasama ang kanyang anak na si Malaya Ulan. Ginawaran siya ng Leeway Transformation Award noon 2021, Leeway Social Change Grant 2019 at 2020, Foundation for Contemporary Arts, Scribe Video Center Planning and Finishing Grant, Independent Public Media Fund, MAPfund 2020 at MAPfund 2022 para sa kanyang bagong proyektong, Sinawali at Primx. Siya ay sinuportahan ng Painted Bride, Bronx Academy of Arts and Dance, Barnes Foundation at marami pa. Siya rin ay isang profesora sa Muhlenberg College at Manunulat sa ThINKing Dance.

bottom of page